TINATAYANG limampung sibilyan ang na-rescue mula sa tunnel na nasa ilalim ng isang steel plant sa Mariupol, Ukraine.
Kabilang sa mga nasagip ang labing-isang bata na naipit sa bakbakan sa pagitan Ukrainian at Russian forces.
Samantala, magpapadala ng pitong self-propelled howitzers sa Ukraine ang Germany habang pinag-aaralan naman ang Estados Unidos ang pagpapataw ng karagdagang sanctions laban sa Russia.