Sinimulan na ang imbestigasyon ng lokal na pamahalaan at pulisya ng Lungsod ng Naga sa southern Cebu ang imbestigasyon sa pagkamatay ng hindi bababa sa 50 aso at pusa sa loob ng isang pribadong subdivision sa Barangay Inoburan.
Ayon kay Police Lt. Col. Junnel Caadlawon, Hepe ng Naga Police Station, na nangangalap na sila ng mga ebidensiya upang matukoy ang mga salarin sa likod ng “mass poisoning” ng mga aso at pusa sa loob ng Casa Mira South Subdivision.
Nagtungo ang mga otoridad sa Casa Mira noong Pebrero a-1 para mag-imbestiga matapos makatanggap ng mga ulat mula sa ilang residente at animal welfare advocates na mga nasabing hayop ay namamatay sa loob ng subdivision at pinabayaang mabulok.
Narekober sa lugar ang hindi bababa sa 50 bangkay ng aso at pusa sa mga bakanteng lote ng subdivision at maging sa kahabaan lamang ng kalsada nito.
Sinabi ng opisyal na nakikipag-ugnayan na sila sa mga may-ari ng CCTV sa lugar para sa pagkakakilalan ng mga suspek nahaharap sa parusang dalawa hanggang tatlong taong pagkakulong at/o multa na 25,000 pesos.