Kinuwestyon ng Commission on Audit o COA ang 50-year lease deal ng Nayong Pilipino Foundation o NPF sa Landing Resorts Philippines Development Corporation o LRPDC.
Ito’y para sa pagpapa-renta sa halos sampung ektaryang lupain ng Nayong Pilipino sa Manila Bay reclamation area, Parañaque City.
Batay sa 2017 audit report, hindi nagbigay ang NPF Board of Trustees ng kopya sa COA ng report kaugnay sa independent appraisal para sa eksaktong halaga ng renta sa naturang property.
Hindi rin namili ang NPF ng iba pang interesadong investor upang mabatid kung lugi ang gobyerno o hindi sa pinasok na kasunduan sa LRPDC.
Magugunitang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes ang buong board ng Nayong Pilipino Foundation dahil sa kontrobersyal na kontrata.
—-