Inaaasahang bababa pa sa 500 ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa mga susunod na buwan.
Ito ay ayon kay OCTA research fellow Prof. Guido David, bumaba na ang average ng bagong COVID-19 case mula sa 1,346 sa 954 na kaso ng COVID-19.
Dagdag ni David, nasa 29% na lamang ang growth rate habang 0.34 naman ang reproduction number ng bansa.
Batay sa inilabas na datos kahapon, nakapagtala ang DOH ng 16,630 na aktibong kaso habang 838 naman ang bagong kaso ng COVID-19.