Tiniyak ni Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Mark Villar na tatapusin ang pagpapatayo ng initial housing projects para sa mga naapektuhan ng giyera sa Marawi City.
Sinabi ni Villar na limandaang (500) housing units ang target nilang matapos ngayong buwan.
Ipinabatid ni villar ang short at long term plans ng DPWH para sa pagbangon ng Marawi na winasak ng halos anim na buwang bakbakan ng tropa ng gobyerno at Maute Terror Group.
Binabalangkas na rin aniya ng ahensya ang road network at masterplan para sa Marawi.
—-