Mula sa dating sampung libo, 500 ‘in-patient drug dependents’ na lamang ang tatanggapin ng mega treatment and rehabilitation center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
Paliwanag ni Health Secretary Paulyn Ubial, karamihan sa mga drug surrenderee ay hindi na nangangailangan ng ‘in-patient rehabilitation’.
Sa ilalim ng rehabilitation program, sinasala ng mga health professional ang mga drug surrenderee sa mga komunidad upang matukoy kung dapat dalhin ang mga ito sa mga rehabilitation center.
Ayon kay Ubial, sa kasalukuyan ay mayroong 133 drug dependents sa mega rehabilitation center na itinayo sa tulong ng pribadong sektor.
By: Jelbert Perdez