Nasa 500 kabataang Pinoy ang nanganganak araw-araw.
Ito ay batay sa Commission on Population and Development (POPCOM) kung saan ang mga kabataang edad 15 hanggang 19 na taong gulang ay nagsisilang ng sanggol kada taon.
Tumaas umano ito mula sa 6.5% noong 1993 sa 8.6% noong 2017.
Lumabas sa pag-aaral na ang mataas na bilang ng mga teenager na nabubuntis ay dahil umano sa madaling access sa internet at social media.
Dahil sa exposure sa internet maraming kabataan na umano ngayon ang nasasangkot sa premarital sex.