Hindi bababa sa 500 indibiduwal ang nadakip ng mga awtoridad dahil sa online scam at overpricing ng mga ibinebentang produktong sa gitna ng nararanasang pandemiya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, naaresto ang mga ito sa kanilang mga ikinasang buy bust operation katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI).
Karamhihan aniya sa mga kaso ng mga nabanggit na indibiduwal ay ang pagbebenta ng mga peke o mababang kalidad ng mga produkto at overpricing o sobrang taas na pagpapataw ng presyo.
Kaugnay nito, hinihimok ni Lopez ang publiko na agad i-report sa DTI ang mga scam at overpricing sa mga binibili online sa pamamagitan ng consumer hotline 1384 ng kagawaran.