Nasawi ang nasa 500 indibidwal sa Nigeria bunsod ng malalang pagbaha habang nasa 1,546 naman ang naiulat na sugatan.
Nasa 1.5 million naman ang naiulat na na-displace mula sa kanilang tahanan.
Nakaapekto ang pagbaha dulot ng pag-ulan at ang mahinang imprastraktura sa pinaka mataong bansa sa Africa, na nagdulot ng pangambang mas lumala ang kawalan ng seguridad sa pagkain at inflation.
Kabilang sa kabuuang danyos ang mahigit 45 bahay na lubusang napinsala at mahigit 70,000 ektarya ng farmlands na bahagyang napinsala.
Matatandaang inihayag ng world food programme at ng UN’s Food and Agriculture Organization noong nakaraang buwan na nahaharap ang Nigeria at anim pang African countries sa banta ng mataas na lebel ng kagutuman. – sa panulat ni Hannah Oledan