Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mahigit sa 500 kilo ng shabu sa pagsalakay sa isang warehouse sa Paseo De Blas, Valenzuela City noong Sabado.
Nakalagay ang naturang shabu sa isang cylinder na mayroong kakayanan na maglaman ng nasa 100 kilo.
Dumating sa bansa ang nasabat na shabu noon pang Mayo 25, na nagmula pa sa bansang China.
Kaagad naman naaresto ng Chinese police ang nagpadala ng kargamento at mabilis nakipag-ugnayan sa mga otoridad dito sa Pilipinas.
By Katrina Valle | With Report from Aya Yupangco