Aprubado na ng World Bank ang 500 milyong dolyar na pautang sa Pilipinas bilang pagtugon sa mga natural na kalamidad na sumasalanta sa bansa.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagbigay ng pautang sa Pilipinas ang World Bank para makabangon mula sa pinsalang dulot ng natural na kalamidad.
Ayon kay Finance Secretary Cesar Purisima, nawawalan ng saysay ang nakakamit na paglago sa ekonomiya dahil sa madalas nalulugmok ang mahihirap na Pilipinas sanhi ng mga kalamidad.
Maliban sa bagyo, mataas rin ang panganib ng lindol at pagsabog ng mga bulkan sa Pilipinas.
By Len Aguirre