Makatatanggap ang Pilipinas ng 415.2 milyong dolyar na halaga ng loan mula sa World Bank at Asian Infrastructure Investment Bank o AIIB.
Sa joint statement ng dalawang bangko, ito’y upang maisakatuparan ang $500-million flood control project sa Metro Manila.
Sinasabing plano ng pamahalaan na magtayo ng 56 na pumping stations na makatutulong upang mabilis na humupa ang baha.
Ayon kay AIIB Director-General for Investment Operations Supee Teravaninthorn, balakid sa negosyo at commercial activities ang baha at nagdudulot ito ng malaking pagkalugi sa ekonomiya.
—-