Nasa 500-M katao ang apektado ng ipinatupad na lockdown sa buong mundo dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Batay ito sa datos ng Agence France-Presse (AFP) matapos ipag-utos ng mga pamahalaan sa kani-kanilang nasasakupan na manatili sa mga bahay upang matigil ang pagkalat pa ng sakit.
Magugunitang idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang COVID-19 bilang pandemic dahil sa mabilis na pagkalat nito sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Kasabay nito mabilis din ang pag-akyat ng bilang ng mga nasasawi sa mula sa iba’t-ibang bansa.