Aprubado na ng World Bank ang $500-M o katumbas ng P24.25-B na pondo bilang suporta sa programa ng gobyerno ng Pilipinas na tutugon sa COVID-19 pandemic.
Bahagi ng programang ito ang pagbili at pamamahagi ng mga bakunta kontra COVID-19, pagpapatatag sa health system ng bansa at ang makabangon mula sa matinding epekto ng pandemya lalo na sa mga mahihirap at kabilang sa most vulnerable na populasyon.
Ayon sa World Bank, napakahalagang makabili ng bakuna dahil binibigyan nito ang isang bansa ng karagdagang depensa para labanan ang COVID-19 maliban pa sa pagpapatupad ng health measures.
Bukod sa pagbili ng mga bakuna, inaasahang magagamit ang ilang bahagi ng pondo para masuportahan ang patuloy na pagpapatupad ng public health measures hanggang sa mayorya ng populasyon ay mabakunahan kontra COVID-19.