Nasa 500 motorcycle rider mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagsama-sama sa Isla ng Puerto Galera sa Oriental Mindoro para makiisa sa ika-4 na taon ng Mangyan Motorcycle Endurance Challenge (MMEC).
Nasubok naman ang katatagan ng mga rider sa 1,000-kilometer motorcycle ride mula sa sabang baywalk papunta sa Occidental Mindoro at pabalik sa Sabang.
Sinabi naman ni Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan na layunin ng MMEC na maipakilala Ang Puerto Galera bilang susunod na destinasyon para sa motorcycle tourism o “motourism.” - sa panunulat ni Hannah Oledan
previous post