Nasa 500 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nanatili sa shelters sa Kingdom of Saudi Arabia ang nais nang makauwi ng Pilipinas.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Atty. Hans Leo Cacdac, karamihan sa mga Pilipinong nais umuwi ay nagtatrabaho bilang household service workers.
Sinabi ni Cacdac na gumagawa na ng paraan ang kanilang ahensya para mapauwi ang mga kababayan nating Pilipino na may reklamo sa kanilang kontrata at nakararanas ng pang-aabuso mula sa kanilang mga employer.
Iginiit ni Cacdac na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit labis ang pag-aalala si DMW Secretary Susan Ople.
Sa ngayon, pinatitiyak na umano ni Ople na mabigyan ng atensyong medical at pagkain ang mga ofws sa nasabing bansa.