Aabot sa 500 pamilya o katumbas ng 1, 500 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha sa anim na Barangay sa Banaue, Ifugao.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), resulta ng mabigat na buhos ng ulan ang pagbaha kasabay ng malakas na ihip ng hangin.
Sa ngayon, 300 na sa rehiyon ang hindi madaanan dahil sa pagguho ng lupa
Kinabibilangan ito ng Mayoyao-Alfonso Lista-Isabela Boundary Road sa boundary ng Poitan, Banaue, Ifugao; Hungduan-Benguet Boundary Road sa Barangay Poblacion at Gohang Banaue; Nueva Vizcaya-Ifugao-Mt. Province Boundary Road sa Barangay Amganad, Tam-An, Poblacion at Viewpoint, Banaue.
Isang bahay naman ang napaulat na totally damaged sa Banaue.
Sa ngayon, nakapagpamahagi na ang DSWD sa mga apektadong residente ng 500 family food packs na nagkakahalaga ng 339, 375.