Inihihirit ng mga labor group ang 500 Peso subsidy kada buwan para sa mga minimum wage earner at mga mas mababa ang kita na ma-aapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa panukalang tax reform.
Muling umapela sa pamahalaan ang grupong Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines na bigyang ayuda ang ilang manggagawa para may “pansalo” sila sa inaasahang dagdag-gastusin kapag tuluyang maipasa ang naturang panukala.
Ito, ayon kay ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay, ang isa sa mga hihilingin nila sa pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.
Dapat anyang kunin ang subsidiya sa mga sobrang budget ng mga ahensya na hindi nagasta sa loob ng isang taon.
Pero kung hindi pagbigyan, wala na silang magagawa sakaling madismaya ang mga manggagawa sa gobyerno.