Aabot sa mahigit limandaang (500) Filipino nurse ang kailangan ngayon sa bansang Germany.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration o POEA Administrator Bernard Olalia, maaaring mag-apply ang mga interesadong nurse sa kanilang website o sa mga accredited recruitment agencies.
Nasa 1,900 euros o mahigit 118,000 ang panimulang suweldo ng mga matatanggap na nurse.
Habang ang mga makakapasa naman sa licensure examination ng Germany ay makatatanggap ng 2,300 euros o mahigit 143,000 na suweldo.
Samantala, kailangan ding makapasa sa German language proficiency test ng mga magiging registered nurse sa nasabing bansa.
—-