Inihayag ni Treatment Czar Health Undersecretary Leopoldo Vega na umabot sa 500 tawag kada araw ang natatanggap ng one hospital command.
Ayon kay Vega, bunsod ito ng community transmission ng COVID-19 Delta variant.
Maliban aniya sa Covid-19 ay dumami rin ang tawag kaugnay sa iba pang emergency cases mula sa labas ng metro manila.
Sinabi pa ni vega na kailangan na ring magkaroon ng one-hospital-command sa mga lalawigan dahil nahihirapan na rin ang central office dahil sa dami ng natatanggap na mga tawag.—sa panulat ni Hya Ludivico