Posibleng lumampas sa 5,000 kaso ng COVID-19 pagkatapos ng Christmas Season.
Ito’y ayon kay Doctor Rontgene Solante, Infectious Disease expert na magdudulot ng mas matatag na population immunity.
Sinabi ni Solante na hindi aabot sa 25 hanggang 30 libong kaso na nangyari noong nakaraang Enero dahil sa variant ng OMICRON.
May posibilidad anya na tumaas ang mga kaso pero mas stable na ang sitwasyon ngayon kumpara sa mga nakaraang buwan dahil mas mataas ang population immunity kung saan maraming nabakunahan at nakatanggap ng booster doses.
Samantala, patuloy namang nagpaalala ang Department of Health na magsuot pa rin ng mga face mask. - sa panunulat ni Jenn Patrolla