Limang libo (5,000) katao ang uubrang maging live audience sa loob ng venue nang idaraos na vice presidential debate sa darating na araw ng Linggo, April 10.
Ipinabatid ito ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista dahil mas malaki ang UST Quadricentennial Pavillion kumpara sa mga lugar na pinagdausan ng dalawang presidential debates.
Inaasahang dadalo at maghaharap sa naturang debate ang anim na kandidato sa pagka-Bise Presidente na sina Senator Francis Escudero, Congresswoman Leni Robredo, Senator Alan Peter Cayetano, Senator Bongbong Marcos, Senator Gringo Honasan at Senator Antonio Trillanes IV.
By Judith Larino