Aabot sa 5,000 magsasaka ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Bicol Region.
Ito ang inihayag ni Provincial Agriculturist Cheryl Rebeta, na pinaka-apektado ang mga lugar na sakop ng 6-kilometer radius permanent danger zone.
Kabilang sa mga lugar na apektado ng abnormal na aktibidad ng bulkan ang Camalig, Daraga, Guinobatan, Ligao City, Malilipot, Tabaco City, Sto. Domingo, Bacacay at Legazpi City na nangangamba sa kanilang hanapbuhay sakaling itaas pa ang alert level status sa bulkang Mayon.
Ayon sa mga magsasaka, mas lalong liliit ang kanilang kita dahil malaking bahagi ng kanilang sakahan ang maaaring maapektuhan sakaling sumabog ang naturang bulkan.
Dahil dito, nagsagawa na ng imbentaryo ang mga magsasaka na inaasahang mabibigyan ng ayuda o tulong mula sa lokal na pamahalaan.