Limang libong (5,000) pulis ang ikakalat ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa Metro Manila para sa Semana Santa.
Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, tututukan ng mga pulis ang mga pantalan, paliparan, terminal na inaasahang dadagsain ng mga magsisiuwian sa probinsiya.
Mananatli aniya sa full alert status ang NCRPO kung saan kanselado ang lahat ng bakasyon ng mga pulis.
Walan naman aniyang babaguhin sa kanilang security template para sa Holy Week, kahit pa may mga naarestong teroristang Maute at ISIS sa Maynila nitong mga nakaraang linggo.
Sa ngayon, ayon kay Albayalde, wala silang namomonitor na anumang banta sa seguridad sa Metro Manila para sa Semana Santa
Gayuman, tiniyak nitong palalaksin pa nila ang intelligence gathering para mapigilan ang mga magtatangkang manggulo sa banal na okasyon.
—-