50,000 trabaho ang inilaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa nakatakdang job fair sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Itinakda sa December 4 ang unang job fair sa Legaspi, Albay, December 5 sa Bacnotan, La Union at San Pedro City, Laguna at December 9 naman sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Mayroon ding job fair sa Alaminos City, Pangasinan sa december 11 at Dagupan City sa december 16.
Pinakamaraming trabaho rito ay mula sa construction tulad ng karpintero, steelman at mason.
Nasa halos 20,000 trabaho naman ang alok sa ibang bansa partikular na sa Middle East, Russia, Japan at New Zealand.