Kinakailangan ng kabuuang 50,000 vaccinators upang mabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga nasa priority group ng vaccination program ng gobyerno.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga nasa priority list ang mga healthcare workers, senior citizens, at mga indibidwal na may karamdaman o comorbidities.
Sa ngayon aniya ay mayroon nang mahigit 4,000 katao na sumailalim sa vaccinator training at magsisilbi namang trainors sa iba’t ibang lugar sa bansa.