Tinatayang 500,000 karagdagang trabaho ang inaasahang i-ge-generate ng 6 billion dollar investment deal ng Japan sa Pilipinas.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, labing walong (18) Japanese business firms ang maglalagak ng investment sa Pilipinas alinsunod sa sinelyuhang kasunduan nang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan kamakailan.
Kabilang sa mga makikinabang ang mga nasa manufacturing, infrastructure at information and communications technology industry.
Ilan naman sa mga Japanese company na mag-i-invest ang Marubeni Corporation; Itochu Corporation; Sumitomo Metal Mining Company; Japan Tobacco Incorporated; Ministop Limited; lawson Incorporated at Hitachi Asia.
—-