Tuluy-tuloy ang misyon ng SM Foundation Incorporated (SMFI) para makapagbigay ng libreng medical care at services sa mga residente ng Luzon hanggang Mindanao.
Sa gitna ito nang determinasyon ng SMFI na maabot ang mga Pilipinong may pangangailangang medikal lalo na mula low-income communities.
Pinakahuling binisita ng medical mission team ang Tuguegarao at Cauayan sa Northern Luzon para magbigay ng serbisyo partikular kina Roland Bariuan, isang tricycle driver mula sa Tuguegarao at Angeline Cacanindin, isang househelper mula sa Cagayan Valley.
Ayon kay Roland Bariuan, 2021 nang manghina siya dahilan kayat kinailangan niyang gumastos para magpa check-up kung saan lumabas na diabetic na siya.
Itinatak niya aniya sa isip niyang kailangang magpalakas siya ng katawan para sa kanyang pamilya at isa ang medical mission ng SM group sa pangunguna ng SMFI sa kanyang nasandalan sa pakikibaka sa kanyang sakit.
Sinabi ni Rolando na malaki ang pasasalamat niya sa SMFI dahil sinagot ng medical mission ang lahat ng medical tests sa kanya tulad ng blood test, x-ray gayundin ang mga gamot na hindi niya kakayanin ang gastos kung huhugot lamang siya sa kanyang sariling bulsa.
Isa rin si Angeline Cacanindin sa natulungan ng medical mission ng SMFI matapos maayos ang ngipin ng kanyang bunsong anak na nagrereklamo ng pananakit ng ngipin dahilan kayat hindi ito makakain at makapasok.
Sinabi ni Angeline na malaking tulong ang nasabing medical mission sa SM City Cauayan para mabunutan ng ngipin ang kanyang anak at mabigyan ito ng paracetamol, antibiotics at maging vitaimins bukod pa sa dental hygiene tips ng volunteer dentists ng SMFI.
Kaugnay nito, tiniyak ng SMFI ang patuloy na serbisyo sa mga Pilipino sa pamamagitan ng mga program ng SM group.