Nagbukas na ang SM Sunday Market kung saan makabili ng mga sariwang prutas at gulay gayundin ng mga bulaklak at halaman mula sa local farmers.
Ang SM Sunday Market na itinataguyod ng SM Supermalls, SM Cares at SM Foundation Incorporated sa ilalim ng Kabalikat sa Kabuhayan Program (KSK) ay mabibisita sa 30 years SM Malls mula alas syete ng umaga hanggang alas dos ng hapon.
Ang pagkakasa ng SM Sunday Market ay bilang tulong sa daan-daang local food producers sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng magandang pwesto sa SM Malls para ibenta ang kanilang mga produkto.
Ang SM Foundation simula pa taong 2020 ay nakatulong na sa halos 30,000 local farmers mula sa ibat ibang lugar sa bansa sa pamamagitan nang pagbibigay sa kanila ng marketing at farming skills.
Dahil mahal na araw na kung kailan bawal munang kumain ng karne sinabi ng SM na magandang pagkakataon ang sm sunday market para makabili ng mga sariwang prutas at gulay sa murang halaga na tulong na rin sa local farmers.
Kaya ayain na ang inyong pamilya at mag-enjoy sa pamimili sa SM Sunday Market na available sa SM City Urdaneta, SM Tuguegarao, SM City Baguio, SM City Cabanatuan, SM City Tarlac, SM City Olongapo Central, SM City Pampanga, SM City Tarlac, SM City Baliuag, SM City Center Pulilan, SM City Marilao, SM City Taytay.
Gayundin sa SM City Lucena, SM City Bacoor, SM City Dasmariñas, SM City TRece Martires, SM City Tanza, SM City Rosario, SM City Santa Rosa, SM City Calamba, SM City San Pablo, SM City Batangas, SM City Lipa, SM City Naga, SM City Legazpi, SM City Puerto Princesa, SM Center Ormoc, Sm City Sorsogon, SM City Iloilo, SM City Cebu, SM City Butuan, SM City CDO Uptown at SM Lanang Premier.
Binigyang-diin ng SM na dapat suportahan ang local farmers kung saan nagmumula ang mga masusustansyang pagkain na ihahain sa hapag kainan para sa ating pamilya.
Maaaring bisitahin ang www.smsupermalls.com o i-follow ang @smsupermalls sa social media.