Target ng Department of Transportation o DOTR na matapos ang 500 kilometrong bike lane sa National Capital Region, Cebu at Davao bago matapos ang taon.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, layon ng pagkakaroon ng bike lane na ito na maging ligtas at mabigyang puwang sa kalsada ang alternatibong transportasyon gayundin ang makatulong sa kalikasan na mabawasan ang polusyon dulot ng mga sasakyan.
Sa ngayon aniya ay mayroon nang halos limamput limang porsyento o kabuuang dalawang daan siyamnaput anim na kilometro na ang natatapos na bike lane.
Nagmula sa Bayanihan 2 ang P1.3 bilyon na halaga ng pondo para sa active transport, P1.1 bilyon dito ang alokasyon para sa pagsasagawa ng bike lanes sa nabanggit na tatlong major metropolitan areas sa bansa.