Patuloy ang misyon ng SM Foundation Incorporated na makapagbigay ng mga pasilidad at mapalakas ang barangay health centers para maisakatuparan ang mandato nitong makapagbigay ng quality health care sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic.
Dahil sa misyong tuluy-tuloy ang kanilang misyon nagtungo ang SMFI katuwang ang Uniqlo Philippines sa mga lungsod ng Tuguegarao at Cauyan sa Cagayan Valley para i-upgrade ang ang dalawang health facilities na napapakinabanga ng libu- libong Pilipino.
Sa Barangay District 1, Cauayan, nagsisilbi ang midwife na si Tarita Ann Ballasteros sa mga mahihirap na pamilya na kanyang binibigyan ng aniya’y best care sa kabila ng limitasyon ng kanilang barangay health center.
Ayon kay Ballasteros, dahil sa tulong ng SM Foundation Incorporated mula sa dating kumot lamang na pantakip sa pinto ng kanilang center kapag may buntis na nagpapa check-up nagkaruon na ng tunay na privacy nang magkaruon ng sariling kuwarto paras sa maternal and child health services na kumpleto na rin sa medical tools at nilagyan pa ng breastfeeding area at espasyo para sa magpapabakuna.
Kuwento pa ni Ballasteros, sila ring mga health workers ay mas ganadong pumasok sa trabaho at makapagsilbi sa mga pasyente dahil sa maayos na health center nila na konektado sa pagiging malusog ng kanilang komunidad.
Ganito rin ang realization ni Corazon Tanguilan, isang barangay health worker mula sa barangay cataggaman pardo health center sa Tuguegarao City.
Sinabi ni Tanguilan na matiyaga silang nagkakaloob ng serbisyong medikal sa kanilang mga ka-barangay kahit pa hindi kaaya-aya ang itsura ng kanilang health center.
Kaya naman, ipinagmamalaki ni Tanguilan na dahil sa tulong ng SMFI ay napalawak ang kanilang health center para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasyente na naging kumportable matapos pakabitan ng aircon ng SMFI ang kanilang health center na aniya’y ngayon lamang nangyari sa 27 taon na niya sa serbisyo.
Bukod sa paglalagay ng mga bagong equipment at pasilidad gayundin ang pagkakabit ng mga maaayos na tiles at pintura ang mga upgraded health centers ay mayruon nang sariling kuwarto para sa maternal care, medical check ups at TB Dots treatment.
Kaya naman, ang malawak at well ventilated lobby ay nakakahimok sa mga tuguegaraonons na magpa check up at matiyak ang magandang kalusugan nila na susi naman sa paglago ng kanilang lugar.