Aabot sa 12,400 na mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipinakalat simula ngayong araw bilang paghahanda sa selebrasyon ng Labor Day bukas.
Ayon kay Ncrpo spokesperson PLt. Col. Luisito Andaya Jr., karamihan sa mga tatauhan ng pulisya ay ang mga lugar na inaasahang may isasagawang pagtitipon at sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Gayundin sa mga terminal dahil inaasahan na may ilang magbabakasyon bunsod ng long weekend.
Ito’y upang matiyak aniya ang police visibility sa mga lugar at upang agad na makaresponde ang pulisya sakaling kailanganin ang tulong nito.