Patuloy na pinalalakas ng BDO Foundation Incorporated ang mga adbokasya nito tulad ng financial literacy program para sa iba’t ibang sektor.
Ayon kay Mario Deriquito, Pangulo ng BDO Foundation Incorporated nais nilang makinabang sa nasabing programa ang mga mangingisda gayundin ay makatulong sila sa mga komunidad na naapektuhan ng mga kalamidad.
Naniniwala si Deriquito na kabahagi ang BDO Foundation Incorporated sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan nang pakikipag sanib puwersa sa mga government agencies at NGO’s sa pagkakasa ng mga makabuluhang programa.