Isinailalim ang ilang kalsada sa Metro Manila sa reblocking at repair ngayong weekend na tatagal ng hanggang Lunes.
Sinimulan ang roadworks at repair dakong als-11 ng gabi simula noong Mayo a-12.
Pinayuhan nito ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil apektado ang mga sumusunod na kalsada:
- C-5 road (NB), J. Vargas intersection hanggang C5-Ortigas flyover approach, Pasig City
- C-5 road (SB), C-5 road sa harap ng UP Henry Sy. Bldg. (innermost lane), Makati City
- Edsa (SB), sa ibaba ng Ayala MRT station sa harap ng SM Makati (rotomilling/asphalt overlay lang)
- Edsa (NB), Buendia Avenue extension (3rd lane mula sa bike lane), Makati City
- Edsa (SB), sa harap ng Panorama Bldg., at sa tapat ng SM North Annex (2nd lane mula sa center island), Quezon City
- Edsa (SB), Cloverleaf interchange to Balintawak LRT station (2nd lane from sidewalk), Quezon City
- Edsa (SB), fronting Guzent to fronting 1081 Edsa Building, (2nd lane from sidewalk), Quezon City
- Commonwealth Avenue (SB), kanto Commonwealth Market hanggang sa tapat ng Sandiganbayan, (2nd lane mula sa gitna), Quezon City
- C-5 e. Rodriguez Jr. Avenue (SB), sa harap ng Unioil gasoline station hanggang sa harap ng Cebuana Lhuillier (truck lane/2nd lane mula sa center island), Quezon City
- Edsa (SB), bago ang Cabrera St., (2nd lane mula sa bike lane), Pasay City
- Mc Arthur Highway (SB), (s02118lz) – (k0010) + (-183.50) hanggang k0010 + (-48.50), Malabon City
- C-5 road Doña Julia Vargas intersection malapit sa Shell gasoline station, along Pasig Blvd., (westbound) near Universal Robina Corporation, Pasig City
- Edsa (SB) mula Mapagmahal St., hanggang Kamias Rd., 2nd lane (travel lanes), Quezon City
Samantala, ang mga apektadong kalsada ay ganap na madadaanan sa Lunes, Mayo 15, alas-5 ng umaga. - sa panulat ni Hannah Oledan