Magtatagisan ng galing sa pagluluto ang mga bata sa pag-asang mataguriang young culinary stars.
Sa pamamagitan ito ng “SM Kids Kitchen Star Chef 2023″ na ihahatid ng SM Supermarket at Savemore Market bukas, Sabado, June 3 sa SM San Lazaro.
Ayon sa SM, nitong nakalipas na dalawang buwan nagsimula ang paghahanap nila ng amazing kiddie chefs at 12 talented kids mula sa Metro Manila ang napiling sumabak sa kakaibang cooking challenge na ito.
Tatanghalin sa nasabing showdown ng mga talented young chef ang kauna unahang SM kids kitchen junior star chef.
Ang hahablot ng kauna-unahang titulo bilang SM kids kitchen star chef ay mag-uuwi ng 50,000 pesos na magagamit sa SM Supermarket at Savemore store.
Wait there’s more, dahil bibigyan din ang star chef winner ng roundtrip airfare for four mula sa Philippine Airlines para sa makapag-relax sa isla ng Boracay.
25,000 pesos namang shopping money ang makukuha ng mapipiling first runner up habang ang talented second runner up ay mayruong 15,000 pesos para ipambili ng kanilang favorite goodies!
Sugod na sa SM Supermarket at Savemore stores para sa exciting shopping weekend dahil sa mga discounts, promos at freebies mula sa inyong favorites brands tulad ng Selecta, Argentina, Knoor, Purefoods, Ufc, Ho-Mi, a-Mark, Herford, Lotte, Barrio Fiesta, Delimondo, Silver Swan, Ajinomoto, Jolly, Cetaphil, Dove, Mamy Poko, San Remo, Mi Sedaap, Simply Canola, Filippo Berio at Alaska Crema.