Tila mas napagtuunan ng pansin sa bansa ang eco mobility na dahilan nang pagdami pa ng mga pilipinong gumagamit ng bisikleta.
Ito ang nagtulak sa SM Supermalls na magtayo pa ng maraming bike friendly spaces kaya sa pagdiriwang ng World Bike Day iniimbitahan ng SM Supermalls katuwang ang corporate responsibility arm nitong SM Cares ang lahat ng bikers sa 2023 bike fest mula June 3 hanggang 30.
Sa pagdiriwang ng World Bike Day, Ikinasa sa SM Mall of Asia, SM City Fairview, SM City Marikina, SM City Clark, SM City Sta.rosa, SM Seaside City Cebu at SM Lanang Premier ang community fun bike ride sa paligid ng mall complex bilang pagsuporta sa pagsusulong ng bike friendly communities sa buong bansa.
Naging bahagi rin ng event ang kiddie bike clinic sa SM Mall of Asia, SM City Fairview at SM City Marikina kung saan natutunan at na practice pa ng mga batang 8-12 taong gulang ang bike handling skills sa isang fun, safe at encouraging atmosphere gayundin ang kahalagahan ng bicycle safety.
Mula June 20 hanggang 30 naglatag na ang SM ng promos at deals para sa bike afficionados sa pamamagitan ng SM deals at SM malls online apps at on ground sa mga piling SM malls.
Asahan na ang pagdagsa ng cool cycling gear, accessories at merchandise na maaaring pagpilian sa 10 day bicyle galore at huwag kalimutan ang weekend treat for bikers sa June 27.
Bilang advocate ng cleaner and sustainable environment hatid ng SM ang green finds na sa pamamagitan ng green finds badge, mas mabilis na makakahanap ng eco-friendly at sustainable products.
Kasama ang iba pang SM retail brands, alok ng SM green finds ang mga produktong gawa sa natural ingredients na resourcefully made, nagpo-promote ng local artisans at sumusuporta sa community livelihood at ang mga produktong ito ay bahagi ng pop-up shops sa SM Mall of Asia, SM Aura, SM Megamall, SM North Edsa, SM Makati, SM City Marikina, SM City Bacolod, SM City Legazpi at SM Lanang.
Ang SM Cares na corporate social responsibility arm ng SM Prime Holdings ang nagtataguyod ng mga hakbangin at nagpo promote ng sustainability at pag develop sa mga komunidad.
Kabilang sa mga advocacies ng SM Cares ang mga programa para sa mga kababaihan at breastfeeding mothers, persons with disabilities, senior citizens at children and youth gayundin ang bike friendly SM initiative at mga program para sa kapaligiran.
Para sa mas marami pang impormasyon sa mga programa ng SM, bisitahin ang www.smsupermalls at www.smsupermalls.com/smcares o I-check ang @smsupermalls at @officialsmcares.