Gusto nyo bang mapakinabangan pa kahit sira na ang mga charger niyo, powerbanks o hard drive na sa tingin niyo ay nagpapasikip lang sa inyong bahay?
Aba, ngayon na ang tamang pagkakataon para ipunin na ang mga ito at I-check sa anumang SM Supermall ang promo dahil ang mga basurang ito ay pu puwedeng mapalitan ng bago!
Kasunod na rin ito nang pag-iisa ng puwersa ng SM Malls online app, SM Cyberzone at SM Cars para sa tinaguriang tech-tastic partnership na hindi lamang makakatulong sa kapaligiran kundi titiyak din ng malaking savings!
Ang trading ay isang lumang paraan, simple subalit may magandang epekto para maisalba ang kapaligiran kaya’t sa pamamagitan nang pag declutter at pagpapalit ng mga sirang devices ay makakabawas ng electornic waste maliban pa sa pag-upgrade ng ating gadgets.
Ito ay mahalagang paalala sa lahat na ang maliliit na choices may mayruong malaking resulta para sa isang brighter and greener future!
Para makasali sa Cyberzone Trade in promo hanggang June 30 at maka save ng halos 60% ng mga accessories tulad ng powr banks, chargers, external hard drives, microphones, earphones at iba pa.
- Mag-down load ng SM Malls online (SMO) app – http://click.smmallsonline.com/dfqs/tradeinnow
- I-add to cart ang anumang ipapalit na item, piliin ang in store pick up at mag check out
Tumakbo sa SM Mall, ibigay ang inyong mga lumang tech, i check ang halagang kapalit ng mga ito at presto, andiyan na ang iyong order.
Kaya’t tutukan na ang trade in promo na ito sa SM North Edsa, SM Megamall, SM Mall of Asia, SM Southmall, SM City Fairview, SM City San Lazaro, SM City Sucat, SM City Dasmarinas, SM City Bacoor, SM City Marikina at SM City Grand Central kung saan nakikiisa rin ang store brands na Techwarez, Anker, Villman, Fonestyle, Baseus, Vivo at Silicon valley.
Ayon kay Steven Tan, Pangulo ng Sm supermalls layon ng Cyberzone Trade in promo na hindi lamang mabigyan ng pagkakataon ang customers na makapag-upgrade ng kanilang tech kundi mahigpit ding isulong ang responsible recycling at disposal ng mga lumang electronic devices at ang hakbangin ay bilang suporta na rin sa electronic waste coalition program ng SM Cares.
Ang SM Cares na corporate social responsibility arm ng SM Supermalls ay sumusuporta sa mga initiatives para sa mga komunidad at kapaligiran sa pamamagitan ng mga advocacy nitong programa para sa kapaligiran, persons with disabilities, women and breastfeeding mothers, children and youth, senior citizens at sm bike friendly initiative.
Para sa dagdag pang impormasyon sa mga programang ito bisitahin ang www.smsupermalls.com/smcares.