Binalaan ng Globe ang mga customers nito laban sa tumataas na bilang ng spam at scam messages gamit ang Over the Tip (OTT) media services na hindi wala sa kontrol ng telcos.
Bagama’t bumaba na ang bilang ng spam at scam messages simula nang ipatupad ang Sim Registration Act patuloy na humahanap ng paraan ang mga manloloko para makapambiktima gamit ang OTT platforms tulad ng chat apps para makaiwas sa telco filters.
Sa katunayan, gumagamit ang mga fraudsters ng overseas at local numbers na kadalasang pinalalabas na business accounts sa pamamagitan ng mga magagandang profile photos para makapanloko.
Sa pinakahuling modus operandi ginagamit ng cybercriminals ang full name ng bibiktimahin at kunwari’y mag a alok ng kung anu ano, kukunin ang loob ng biktima para makapagsimula na ng pag uusap.
Sinabi ni Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer ng Globe na ginagamit ng mga nasabing scammers ang tumataas na insidente sa mas digital lifestyle at pinayuhan ang consumers na maging pro-active.
Kailangan aniyang maging vigilant ang lahat at gumawa ng mga hakbangin para maprotektahan ang sarili laban sa cybercriminals subalit pinakamaganda pa ring huwag nang makipag usap sa mga ito at kaagad silang I-block.
Una nang na block ng Globe ang halos 1.1 billions scam and spam messages sa unang quarter ng taong ito mula sa halos 218,000,000 unwanted and unsolicited messages sa parehong panahon nuong isang taon.
Bukod dito, ipinabatid ni Bonifacio na sumirit sa 22,455 ang na block na sim mula sa stop spam portal ng Globe sa unang quarter ng 2023 mula sa halos dalawang libo sa parehong panahon nuong isang taon.
Nakapag-deactivate na rin ang Globe ng 647 sim cards kung saan 610 ang sangkot sa pagpapadala ng scam o fraud messages habang ang nalalabi ay ginamit sa pagpapadala ng spam messages.
Ang bilang ng scam at spam messages na blinock ng globe ay higit pa sa doble sa record na 2.72 billion nuong isang taon mula sa 1.15 billion nuong 2021 sa gitna na rin nang pagpapalakas ng kampanya laban sa fraudsters and scammers samantalang nasa mahigit 21,000 sims ang na deactivate at mahigit 35,000 sim ang blacklisted.
Para matigil na ang mga naturang iligal na aktibidad muling iginiit ng Globe ang panawagan nito sa kanilang customers na magparehistro ng kanilang sim cards bago ang July 25 extended deadline.