Isinapubliko ng Department of Environment and Natural Resources ang blueprint nito para sa tinaguriang strategic at effective sustainable development at environment action sa bansa.
Kaugnay ito sa pagdiriwang ng World Environment Day sa pamamagitan ng Environment for Life Media event kung saan ang presentation.
Ayon kay DENR Secretary Toni Yulo-Loyzaga ay maituturing na eye opener sa mga posibilidad ng coherence, convergence at synergies.
Sinabi ni Secretary Yulo na pangunahing susi sa mga naturang intiatives ay pagkakasa ng comprehensive, whole of government at whole of society plans ..katuwang ang paghahanap ng strategic partners tulad ng Local Government Units at pribadong sektor samangtalang ilan sa mga partners na ito ay nagpakita ng iba’t ibang paraan para matamo ang nasabing layunin.
Katuwang ng DENR sa paglalatag ng kani-kanilang mga hakbangin para sa coherent, convergent at synergized environmental action ang Marubeni Philippines na pangunahing Integrated Trading and Investent Business Conglomerate mula sa Japan ang Swiss based global building materials and aggregates company na Holcim philippines, Prime Infrastructure Capital Incorporated, SM Supermalls ng SMIC, San Miguel Corporation, DMCI Mining Corporation, Hope/Century Pacific Food Incorporated, makilala Mining Company Incorporated at Basic Environmental Systems and Technologies Incorporated.
Nakikiisa ang mga nasabing grupo bilang strategic partners ang mantra ng DENR kaugnay sa mga likas na yaman – to protect, rehabilitate, restore and regenerate at sa usapin ng mga basurang plastic kapit kamay sila sa proseso ng reduce, reuse and recycle.
Ipinakita ng Marubeni ang carbon credit program nito sa pamamagitan ng reforestation katuwang ang DENR, Dacon Corporation at University of the Philippines kung saan ang initial site ay sumasakop sa 10,000 ektaryang lupain sa Negros Occidental at naglalayong maisulong ang biodiversity, magbigay ng mga trabaho sa local communities at makapag-establish ng carbon credit program.
Idinecarbonized naman ng Holcim Philippines ang operasyon nito at binawasan ng pitong porsyento ang carbon emission ng kada tonelada ng semento at sa pakikipag-kapit-bisig sa DENR ay magde-deploy ito ng 100% solar powered Catamaran, ang cirular explorer na ino operate ng one earth one ocean para malinis ang coastal areas sa Manila Bay bukod pa sa isang bagong proyekto sa Northern Mindanao ang susuporta sa coral and coastal ecosystems sa pamamagitan ng marine bio active concrete.
Ikinakasa naman ng Prime Infra ang isang reforestation project ka-partner ang DENR sa isang 1, 800-hectare area sa upper Marikina River basin protected landscape at pinag-isa nito ang water security, watershed protection sa forest carbon and diversity management kaya naman ang mou ay magsisilbing blueprint para sa mas malawak na implementasyon ng nature-based solutions programs.
Samantala, ipinagmamalaki naman ng SM Supermalls ang pagtutok nito sa sustainability sa pamamagitan ng mga hakbangin hinggil sa energy conservatuon, solid waste reduction at water conservation.
Ang ikinakasang green and resilient designs ng SM Supermalls sa kanilang mga gusali ay nagpo promote ng disaster mitigation at prevention measures kasama ang solid waste management.
Ang mga hakbangin tulad ng trash to cash recycling, EV charging stations, regular coastal celan ups, incentives para sa bicycle riders at paggamit ng recycled water para sa colling systems ay malaking patunay ng commitment ng sm supermalls para sa environmental action.
Nakatutok naman ang San Miguel Corporation sa dredging at river widening work para ma rehabilitate ng Pasig River at mga kabuntot na ilog habang epektibo ito sa pagbabawas ng baha at pag apaw ng mga ilog na isa sa mga dahilan nang matinding pagbaha.
Naging malaking responsibilidad naman ng DMCI Mining Corporation ang pagtulong sa paglilinis ng oil spill mula sa MT Princess Empress tanker.
Nakatutok ang Hope Foundation/Century Food Incorporated sa programang coconut growing para sa Vita Coco beverage nito na nagbigay ng kabuhayan sa mga residente ng target barangays at communities na maituturing na holistic approach habang nakiisa rin ito sa plastic exchange program at pagpapatupad ng extended producer responsibility.
Nagbigay buhay din ang presentation ng makilala mining company na nagsulong ng framework para sa future ng responsible mining at ang planong equity participation para sa balatoc indigenous community na nagmamay-ari ng lupain ay katulad nang nangyari sa Australia at New Zealand na mayruong traditional custodians’ ng ancestral lands.
Binigyang diin naman ng best ang trash to cashback program at kung paano ito sumentro sa five-step program ng segregate, exchange, redeem, collect and recycle na pinatunayan ng balik pet bottle program katuwang ang Coca Cola Far East Limited at Philippine Association of Stores and Carinderia Owners.
Sa kabuuan, ang nasabing environment for life event ay epektibong nagpapakita ng mga ginagawa ng DENR para sa protection, preservation at regeration ng natural resources ng bansa bilang bahagi ng kumprehensibong enr plan para sa resource development at ang katuparan nito sa pamamagitan ng DENR ecosystem ay nakatitiyak na ng isang sustainable future para sa lahat.