Halos dinoble ng PhilHealth ang coverage nito para sa hemodialysis epektibo noong June 22.
Ipinabatid ng PhilHealth na mula sa 90 ay ginawa nang 156 sessions ang hemodialysis coverage na maaaring i-avail ng mga miyembro ng PhilHealth at kanilang qualified dependents na may chronic kidney disease stage 5.
Ayon sa PhilHealth ng three sessions kada linggo sa 52 linggo na katumbas ng isang taon.
Paalala ng PhilHealth, kailangang nakarehistro sa PhilHealth dialysis database ang pasyente bago maka avail ng benefit package na nasa kabuuang 405,600 pesos kada taon sa 2,600 pesos kada session.
Tiwala si PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma na makakatulong ng malaki sa mga Pilipino ang dagdag session sa hemodialysis coverage bilang bahagi na rin nang pagpapabuti ng mga benepisyo ng PhilHealth para mabigyan ng sapat na financial risk protection ang mga Pilipino.
Gayunman, mahigpit na isinusulong ng PhilHealth ang Peritoneal Dialysis (PD) muna sa gitna na rin nang paghimok sa accredited healthcare providers na irekomenda ang PD bilang paunang treatment para sa CKD5 patients.
Samantala, nananatili naman ang kidney transplantation bilang gold standard treatment para sa mga pasyenteng may kidney failure.
Target ng PhilHealth na mapataas ang financial coverage sa PD at kidney transplantation packages sa susunod na dalawang taon kaya’t lahat ng health facilities ay dapat maiparehistro sa PhilHealth dialysis database ang kanilang mga bagong ckd stage 5 patients na nangangailangan ng renal placement therapy.
Nagpasalamat si PhilHealth President Ledesma sa tulong ng PAGCOR at PCSO para sa epektibong pagpapatupad ng universal health care at bilang tugon na rin sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Na mabawasan ang out of pocket expenses sa kalusugan ng mga Pilipino na nakasandig sa misyo ng gobyerno na matatag, maginhawa at panatag na buhay para sa mga Pilipino sa 2040.