Isa pang experience store ang binuksan sa isa sa SM Supermalls Para makapaghatid ng kakaibang quality service at maging accessible sa lumalagong merkado sa bansa.
Kasunod na rin ito nang idinaos na opening ng Honor Branch sa 4th floor, Cyberzone sa SM City North EDSA na pinangunahan nina Honor Philippines Brand Marketing Manager Joepy Libo-On, PR Manager Pao Oga, SM City North EDSA Assistant Mall Manager Gio Arandilla at Leasing Manager Joel Quan kasama ang GMA host at actress na si Shaira Diaz.
Ayon kay Honor Philippines Vice President Stephen Cheng, sa pagdami ng honor fans , responsibilidad nila ang pagbibigay ng mas maraming item sa publiko sa pamamagitan ng ika-anim nilang branch sa SM City North EDSA annex ..
Bukod pa sa mga naunang honor branch sa SM City Fairview, SM City Consolacion Cebu, SM City Marilao, SM City Grand Central at SM Makati.
Dinagsa ang nasabing event kung saan isinalang sa smash test ang Viral Honor X9A 5G sa pangunguna ni Diaz at Nanalo ng Honor Smartphone ang ilang masuwerteng customers. Isinailalim din sa water test ang pinakabago at pinakamalakas na model ng honor, para ipakita ang napakataas na IP68 Ranking nito. Kaugnay nito.
Inaanyayahan ng Honor Philippines ang mga nais mag join sa Honor Philippines Tech Tok Wednesday sa July 26 para sa chance na makakuha ng P2,000 na discount sa Honor x6, x7, x8, x9 at Honor 70 5g samantalang enjoy great deals sa Honor Magicbook x series laptops samantalang huwag palampasin ang Tiktok live ng honor sa July 26 para sa mas maraming freebies at prizes! Para sa dagdag na impormasyon ..
Bisitahin ang webiste ng Honor na www.hihonor.com at sa social media platforms tulad ng Facebook, Instagram at Tiktok
Samantalang i-check sa https://www.hihonor.com/ph/retailers ang kumpletong listahan ng retail stores ng honor Philippines.
Ang honor ay nangungunang global provider ng smart devices at tututukan nito ang pagiging Global Iconic Technology Brand at pagbuo ng bagong intelligent world para sa lahat sa pamamagitan ng powerful products and services nito.
Sa pagtutuon ng pansin sa R&D, committed ang Honor na mag develop ng teknolohiyang mag e empower sa mga tao at makapagbibigay ng kalayaan sa kanila na mapasakamay ang mga inaasam at madiskubre pa ang kanilang potentials.
Alok ng honor sa abot kayang halaga ng innovatibe, premium at reliable products tulad ng high quality smartphones, tablets, laptops at wearables para mailabas ang better version ng mga gumagamit ng Honor products.