Patuloy na isa-subsidize ng GCash ang bahagi nang tumataas na operating costs ng partners nito para mapanatiling abot kaya ang convenience fee sa cash ins ng mga users nito.
Tiniyak ito ni GCash President at CEO Martha Sazon na nagsabing ang limang pisong singil sa 4th quarter ay mas mababa pa rin sa 25 pesos na kadalasang sinisingil ng mga bangko at iba pang financial institutions para sa cash transfers.
Binigyang-diin ni Sazon ang kanilang pag-i-invest pa sa pag-upgrade ng mga imprastruktura at pagpapalakas ng security services ng GCash.
Pinayuhan din ni Sazon ang GCash users na tutukan ang inaasahang gastusin gamit ang GCash kapag magpapa cash in kung saan uubrang magpacash in ng P10,000 kaysa 500 pesos lamang kada gamit para hindi ganuon maramdaman ang limang pisong charge.
Inaasahang ipatutupad ng GCash sa huling bahagi ng taon ang limang pisong singil sa kada cash in sa pamamagitan ng BPI at Union Bank Accounts.
Ang over-the-counter GCash cash ins ay pwede rin sa cash in machines, partner convenience stores, pawnshops, supermarkets, department stores, drug stores, gas stations, sari-sari stores at retail stores.
Samantala, iwinaive naman ng GCash ang bayad sa QRPH transactions para sa merchants hanggang sa katapusan ng 2023 para mabigyan ng dagdag kita ang micro entrepreneurs habang ginagamit ang anito’y convenient cashless transactions.
Patuloy ding iniaalok ng numero unong financial superapp sa bansa ang micro merchants access hanggang kalahating milyong piso kada buwan samantalang winaive na rin ng GCash ang 1.5% transaction fee ng hanggang isandaang libong pisong gross sales.