Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakasunod sa mga alituntunin ukol sa pag-iwas at pagkontrol sa COVID-19 ang karamihan sa mga kompanya sa Metro Manila.
Ayon kay DOLE-National Capital Region (NCR) Director Sarah Buena Mirasol, 80 porsiyento o 4,062 sa kabuuang 5,049 na mga establisimyento ang tumalima sa guidelines ng DOLE at Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ni Mirasol na isinagawa ang monitorying mula ika-8 ng Hunyo hanggang Hulyo 1.