Aabot sa 53 Billion Pesos ang kabuuang kailangan ng gobyerno para sa full rehabilitation ng Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Adoracion Navarro, magmumula ang pondo sa tatlong sources.
Ito ang government funds, donations mula sa private sector at Non-Government agencies at iba pang non-profit organizations at official development assistance.
Ngayong taon anya ay kailangan ng 26.16 Billion Pesos habang ang nalalabing 27 Billion Pesos ay gagamitin sa taong 2019 hanggang 2022.
Ilang lugar ilang lugar sa Marawi delikado pa ring tirahan, ayon sa AFP
Aminado ang militar na delikado pa ring tirhan ang ilang lugar sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ito ang inihayag ni AFP Joint Task Force Ranao Deputy Commander, Col. Romeo Brawner dalawang araw bago ang unang anibersaryo ng Marawi Siege.
Ayon kay Brawner, 24 na barangay na nasa ground zero kung saan naganap ang matinding bakbakan sa pagitan ng militar at maute-isis ay peligroso pa ring tirhan.
Mayroon pa anyang mga bomba na naiwan o sadyang iniwan ng mga terorista sa mga nabanggit na barangay.
Bukod sa mga tanim na bomba, hindi pa rin tuluyang nare-rekober ang mga hindi sumabog na bombang pinakawalan ng tropa ng pamahalaan.
Sa kabila nito, maituturing namang balik normal na ang buhay sa kapitolyo ng Lanao del Sur.