Libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na ang nabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nasa 50,000 hanggang 60,000 OFWs na ang naturukan ng bakuna laban sa virus sa kani-kanilang bansa na pinagtatrabahuan at nagdesisyong huwag nang magpa-repatriate matapos nito.
Sa ngayon, batay sa datos ng Department of Foreign Affairs, nasa 13,897 Pinoy abroad na ang tinamaan ng COVID-19, kung saan, 945 sa mga ito ang nasawi.
Nasa 80,000 namang OFWs ang posibleng magbalik-Pinas sa unang bahagi ng 2021 sa gitna ng nararanasan pandemya sa buong mundo.