Inaasahan nang darating sa bansa ang mahigit 50k doses ng Sputnik V vaccine na mula sa Russia bukas ng gabi.
Ayon sa National Task Force Against (COVID-19), ang bakuna ay darating sakay ng Qatar airways flight na lalapag sa Terminal 3 dakong alas-11 ng gabi.
Nabatid na una nang dumating sa bansa ang unang batch ng Sputnik V noong Mayo 1 habang noong Mayo 12 naman dumating ang second batch.
Samantala, agad na dadalhin naman ang ikatlong batch ng mga bakuna na gawa ng Gamaleya Institute sa Pharmaserv warehouse sa Marikina City bago ito ipamahagi sa iba’t ibang bahagi ng lugar sa bansa.