Posibleng umabot ng 50,000 katao ang mamamatay, oras na tumama ang ‘the big one’sa bansa.
Ito ayon kay PHIVOLCS Director Doctor Teresito Bacolcol, at binigyan-diin na batay sa kanilang pag-aaral, tinatayang nasa mahigit 30,000 katao ang mamamatay sa mismong lindol na posibleng tumama sa National Capital Region habang na sa 18,000 ang kargdagang mamatay dahil sa sunog.
Bukod pa anya rito, nakikita rin nilang aabot sa 12 hanggang 13% ng mga residential building ang maaapektuhan sa nasabing lugar.
Paliwanag pa ng PHIVOLCS Chief, bagama’t imposibleng malaman ang eksaktang araw at oras ng pagtama nito hindi tulad ng bagyo, nakita nila ang posibilidad ng ‘the big one’ dahil sa banta ng West Valley Fault na nasa silangang bahagi ng Metro Manila.
Ang tinatawag na ‘The Big One’ ay ang 7.2 magnitude o nasa intensity 8 na lindol na nakikitang tatama sa NCR at mga kalapit na lugar.