Pinuna ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang halos 50k kontraktwal na manggagawa sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isinagawang pagdinig ng 718.3 bilyong pisong pondo para sa 2023 budget ng DPWH, tinukoy ng senador na dumoble ang bilang ng Job Order (JO) at Contract of Service (COS) sa ahensya sa 49,726 mula sa 22,457.
Ayon naman kay DPWH secretary Manuel Bonoan, ang JO at COS sa ahensya ay bahagi ng maintenance program ng ahensya kung saan ina-outsource ang mga manggagawa.
Maliban sa mga kotraktwal, pinuna rin ni Villanueva ang mahigit tatlong libong unfilled positions sa DPWH na agad naman pina-a-aksyunan sa ahensya. —sa panulat ni Hannah Oledan