Nasa 50,000 estudyante sa grade 1 hanggang 3 sa NCR ang hirap magbasa base sa isang assessment na ng DepEd.
Sa survey ng DepEd, higit 384,000 mag-aaral mula sa mga nasabing baitang ang dumaan sa comprehensive rapid literacy assessment bago simulan ang kasalukuyang school year.
Ayon kay DepEd-NCR Director Wilfredo Cabral, patuloy na hinahanap sa eskwelahan ang mga non-numerates at non-literates.
Tinitiyak ng DepEd-NCR na handa na sila sa mandatory full in-person classes simula Nobyembre 2. —sa panulat ni Jenniflor Patrolla