Isinalang sa special concern lockdown ang 51 lugar sa Quezon City.
Ginawa ng lokal na pamahalaan ang hakbang matapos lumobo ang mga aktibong COVID-19 cases sa mga apektadong lugar.
Nabatid na tinatayang isang daang pamilya o katumbas ng tatlong daang indibidwal ang apektado ng lockdown sa apat na lugar sa Barangay Bahay Toro.
Nangako naman ang QC LGU na magpapadala ito ng mga food packs at essential kits para sa mga residente habang isasailalim din sa swab testing at quarantine ang mga ito.